Mga Kuwento ng Tagumpay

Vishal L., Canada

Isipin ang paglipat nang higit sa 7,500 milya ang layo mula sa iyong tahanan upang magpanimula sa isang banyagang bansa na may napakakaunting kaalaman sa kultura o wika at walang mga pagkakataon sa trabaho. Iisipin ng maraming tao ito bilang isang malaking sugal, ngunit hindi para sa Promoter na si Vishal Lama. Nakita niya ito bilang isang pagkakataon. Nang makapagtapos sa kolehiyo sa India, lumipat si Vishal sa mga paligid-lungsod ng Toronto na umaasang maging isang inhinyero. Nang siya ay nahirapang makahanap ng trabaho sa engineering, bumaling siya sa industriya ng pagseseguro, kung saan sa loob lamang ng ilang taon ay naka-ipon siya ng sapat na pera upang makapagsimula ng kanyang sariling kumpanya. Ang buhay bilang may-ari nang isang maliit na negosyo ay maganda para kay Vishal. Sa lalong madaling panahon, natagpuan niya ang kanyang sarili na namamahala ng isang maliit na team at kumikita ng halagang may anim na pigura. Sa kabila ng kanyang tagumpay, pakiramdam ni Vishal na siya ay nakatakdang makaabot ng higit pa sa kanyang buhay. Isang malapit na kaibigan ang nagsabi sa kanya na sumali sa isang MLM na kumpanya bilang pabor. Ang desisyon na iyon ang sadyang nagpabago ng kanyang buhay. Nagpatuloy siya hanggang sa maging isa sa mga miyembrong may pinakamataas na ranggo.

Ngayon bilang Promoter ng QuiAri, si Vishal ay nagtatamasa ng higit pang tagumpay.

"Sa kauna-unahang pagkakataon sa aking karera may pagkakataon akong tulungan ang mga tao hindi lamang sa pananalapi, kundi pati na rin sa kanilang kalusugan. Matagumpay kong pino-promote ang QuiAri sa buong mundo, ngunit sobra akong nakatuon sa India kamakailan, isa sa pinakamabilis na lumalagong merkado ng QuiAri, "ayon kay Vishal Lama.

Si Vishal ay bahagi ng team ng pamumuno sa field ng QuiAri, isang piling pangkat na may higit sa 150 taon ng pinagsamang karanasan sa MLM, at pinangungunahan ng Tagapagtatag at CEO na si Bob Reina.

"Pinatutunayan ng QuiAri araw-araw kung bakit karapat-dapat silang maging #1 kilusan para sa kalusugan at pagbawas ng timbang sa buong mundo. Si Bob Reina ay ang nag-iisang CEO na may mga kasanayan, mapagkukunan, at karanasan upang bumuo ng isang negosyo na may kakayahang lumaki nang ganito kabilis. Hindi kami sumusunod sa isang tradisyonal na landas patungo sa tagumpay, at iyon ang dahilan kung bakit sinira ng kumpanya ang maraming mga rekord sa industriya,” sabi ni Vishal Lama.

Para sa hinaharap ng QuiAri, ang nakikita lang ni Vishal ay ang pagtaas ng pangangailangan sa mga produkto ng QuiAri. Noong 2018-2019, ang industriya ng MLM ay lumago nang 13% sa India lamang. Sa natatanging mga handog na produkto ng QuiAri at nakapagbibigay-inspirasyon na mga kuwento ng tagumpay, mayroon silang pagkakataon na makuha ang malaking porsyento ng merkado.

"Sa susunod na 5 taon nakikita ko ang QuiAri na magsisilbing gintong pamantayang kung paano dapat isama ng mga kumpanya ng MLM ang kanilang negosyo sa mga internasyonal na kultura. Kasama ng tamang pagsasa-isip, makakatulong ang aming mga Promoter na mapabuti ang kalusugan at yaman ng isang buong bansa. Tulad ng naiisip mo, ito ay isang kapana-panabik na panahon para sa lahat ng team ng QuiAri,” pagsasaad ni Vishal Lama.

Pakitandaan na nagbibigay ng walang limitasyong potensyal na kumita ang oportunidad sa negosyo ng QuiAri. Gayunpaman, hindi ginagarantiya ng QuiAri ang pinansyal na tagumpay. Ang tagumpay sa QuiAri ay nagreresulta lamang mula sa mga matagumpay na pagsisikap sa pagbenta, na nangangailangan ng pagsisikap sa trabaho, sipag, kakayahan, tiyaga, kagalingan, at pamumuno. Nakasalalay ang iyong kita sa kung gaano kahusay mo ginagamit ang mga katangiang ito.

Impormasyon sa Pakikipag-ugnay

  • +1 813-413-8120
  • +1 813-413-8139
  • Mga Oras Lunes – Biyernes
  • 9 am - 5 pm Eastern

May katanungan?

© 2021 QuiAri. Nakalaan ang lahat ng mga karapatan.